Jhezz Maria Naraga Gementiza Dies Due to Drowning Incident




JHEZZ MARIA NARAGA GEMENTIZA – Patay ang magandang lady rider mula sa lalawigan ng Bohol dahil sa insidente ng pagkalunod.

Ang Boholana lady rider ay isang sikat na babaeng vlogger na sumikat dahil sa kanyang nakamamanghang kagandahan at hubog ng katawan. Nakuha niya ang puso ng mga Pinoy netizens dahil sa riding vlogs.

Nagtrabaho ang lady vlogger bilang modelo ng ROCKSTAR Energy Drink (DE), Monster Energy, AutoZone Car Accessories, at Gud Moto Tagbilaran, Isa rin siyang accounting staff sa Honda PH, Inc. batay sa kanyang profile.

Kamakailan, kumakalat na online ang napakaraming post sa social media na nag-uulat sa hindi inaasahang pagkamatay ni Jhezz Maria Naraga Gementiza. Sinasabi ng mga ulat na ang dalaga ay namatay matapos malunod habang lumalangoy.

Pumunta umano si Gementiza sa isang talon. Ang nasabing paliguan ay sa San Isidro, Bohol na kung saan siya rin ay naninirahan.
Ayon sa ulat dalawang araw na umanong nawawala noon ang ladyrider. Kaya naman labis na ang alala ng kanyang pamilya, mahal sa buhay ang pamilya at ang mga kaibigan nito. 
Hanggang si Jhezz Maria ay natagpuan sa isang lugar na pinangyarihan ng pagligo sa isang falls o talon para lumangoy ngunit inaanod siya ng malakas na agos ng tubig. ayon naman sa mga residente, naligo noon si Jhezz, nag biglang tumaas ang lebel ng tubig hanggang sa si Jhezz ay nalunod.Nagsasagawa ng retrieval operation ang mga rescuer para mabawi ang kanyang katawan. 



Si Jhezz Maria ay tubong San Isidro, Bohol na nagsimula sa pagmo-model at dahil sa pagkahilig nya sa motor, ay pinasok niya ang mundo ng riders na kung saan, siya'y nagsimula bilang isang  ''seconds girl'' o ''yung tiga-taas ng nalalabing oras sa karera ng motorsiklo.

Nang dumating ang araw na siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na may kursong BS in Business administration major in financial management sa Holy Name University - Tagbilaran City. Ngunit bukod riyan siya rin ay naging Ambassadress ng ibat ibang Auto and Motocycle companies. Hanggang sa siya ay naging isang Certified Rider ng Bohol na kung saan siya ay hinangaan dahil sa angkin nitong ganda at galing sa pagmamaneho ng motor.
Kaya naman siya'y sumikat sa Social Media, partikular sa kanilang bayan sa Bohol.